Tuloy-tuloy na ang paghahanda ng Quezon City Police District (QCPD) para sa seguridad ng nalalapit na ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 27.
Bilang bahagi ng final security preparations, nagsagawa ng walkthrough ang mga opisyal ng QCPD sa paligid ng Diliman Doctors Hospital, IBP Road, at Sinagtala Street.
Layon ng inspeksyon na tiyaking maayos ang deployment ng mga pulis sa panahon ng SONA.
Una na ring sinabi ng PNP na aabot sa 20,229 Police personnel ang ide-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para tiyakin ang ligtas, maayos, at mapayapang pagdaraos ng SONA 2026.
📸 QCPD

