Inihayag ni bagong AFP Chief of Staff Gen. Antonio Nafarrete na kabilang sa mga marching order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paghahanda para sa BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre.
Sa ambush interview sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Nafarrete na pinaghahandaan na nila ang pagtiyak ng seguridad at kaayusan para sa kauna-unahang BARMM Elections.
Ayon kay Nafarrete, isa ito sa pinakamalaking security operations na kanilang tututukan sa mga susunod na buwan.
Bukod dito, sinabi din aniya ng Pangulo na pinatutukan ang kalagayan ng mga nasugatang tauhan ng Philippine Navy kauganay sa nangyaring insidente sa Ayungin Shoal.
Samantala, nang tanungin kung ano ang kanyang nararamdaman bilang bagong AFP Chief of Staff, sinabi ni Nafarrete na handa siyang harapin ang mga hamon na kaakibat ng kanyang bagong posisyon.
Ayon pa kay Nafarrete, nakalatag na ang mga umiiral na sistema sa AFP at kailangan aniyang mapanatili at maipagpatuloy ang mga ito.