Ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan, hapon ng Martes (July 21), kasunod ng pinakahuling insidente ng agresyon ng China sa Ayungin Shoal, sa West Philippine Sea (WPS).
“PBBM summons Chinese ambassador over maritime incident at Ayungin Shoal.” —Castro.
Ito ayon kay Communications Usec. Claire Castro ay mayroong kinalaman sa insidente ng pananakit ng Chinese Coast Guard (CCG) personnel sa tauhan ng Philippine Navy, gamit ang kahoy na baton, dahilan ng pagtatamo ng injury o sugat ng mga ito.
“It concerns national security but we will give additional information once we are allowed to do.” —Castro.
Kung matatandaan, una nang kinondena ng Malacañang ang panibagong ilegal na aksyon na ito ng China.
“The DFA is in coordination with the AFP regarding the details of the incident. Any act of violence against Filipino personnel is unacceptable and will merit the appropriate diplomatic action. The DFA is committed to upholding the safety and well-being of Filipino personnel in BRP Sierra Madre who are lawfully performing their duties. So, iyan po ang mensahe ng DFA patungkol po sa Ayungin Shoal incident.” —Castro.
Hindi aniya katanggap – tanggap ang mga ganitong akto ng Beijing.
Gayunpaman, ang pamahalaan, mananatili aniya sa pagtatanggol ng teritoryo at karapatan nito sa diplomatikong pamamaraan, at hindi kailanman pasisiil ang Pilipinas.
“Sa panahon po ngayon ay kailangan pong aralin din ng Pangulo pero hindi po nadadaan sa dahas ang anumang pakikipaglaban sa karapatan. Hindi pinag-uusapan dito ang laki ng iyong teritoryo, ang lakas ng iyong puwersa kung hindi pakikipaglaban sa katotohanan at kung ano ang iyong karapatan.” —Castro.