Mayorya pa rin ng mga Pilipino ang hindi nagtitiwala sa China, batay yan sa pinakahuling Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research.
Sa survey, lumalabas na 64% ng mga Pilipino ang nagsabing hindi dapat magtiwala ang Pilipinas sa China. Mas mataas pa ito ng 9% puntos kumpara sa 55% noong Marso 2026.
Samantala, 14% lamang ang nagsabing nagtitiwala sila sa China, habang 21% ang hindi makapagpasya.
Sa mga rehiyon, pinakamataas naman ang distrust sa MIMAROPA na umabot sa 94% habang pinakamababa ang naitala sa Central Visayas na may 47%.
Ayon sa OCTA Group, malaki ang impluwensya ng mga pangyayari sa West Philippine Sea at ng impormasyong nakapaligid dito sa pananaw ng mga Pilipino tungkol sa China.
Isinagawa ang survey mula July 4-11 kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Ruling sa West Philippine Sea.