Muling haharap ngayong araw sa Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta kasama ang ilang kapwa akusado para sa arraignment at pre-trial ng kinahaharap na kasong paglabag sa Presidential Decree No. 46 na kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng humigit-kumulang ₱75 milyong campaign donations noong tumakbo sa pagka-senador.
Unang haharap si Marcoleta sa arraignment ng Sandiganbayan 3rd Division mamayang alas-8:30 ng umaga.
Bukod kay Marcoleta, inaasahang ihaharap din sa korte ang kapwa niya akusado na si Joseph Espiritu na nakadetine rin sa New Quezon City Jail.
Sa hapon ay nakaiskedyul din ang arraignment ng senador kasama naman si dating Representative Mike Defensor para sa kasong paglabag sa PD 46 na hawak naman ng Sandiganbayan 4th Division.
Sa arraignment, babasahin ng korte ang sakdal laban sa mga akusado at tatanungin sila kung aamin o hindi sa mga paratang. Kapag tumanggi silang sumagot o umamin, awtomatikong itatala ng korte ang plea na “not guilty.”