Hindi makakaapekto sa pagpepresenta ng ebidensya ng prosecution panel nagbiyahe sa ibang bansa ni VP Sara Duterte.
Ito ang nilinaw ni House Trial Spokesperson Zia Alonto Adiong hinggil sa nakatakdang pag-alis ng Pangalawang Pangulo habang nagpapatuloy ang impeachment trial sa Senado.
Dagdag pa ni Adiong, hindi naman obligado o karaniwang dumadalo ang Bise Presidente sa sarili nitong paglilitis, kaya’t magpapatuloy ang proseso gaya ng nakaplano.
Bago ito, inihayag ng Office of the Vice President (OVP) na wala sa bansa si Duterte mula Hulyo 16 hanggang Hulyo 31 para sa kanyang nakatakdang pagbisita sa mga bansang Qatar, United Kingdom, at Netherlands.