Photo courtesy of Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC)
Hindi tatantanan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang illegal online gambling sites and applications sa bansa lalo’t mas lumakas na ang kapabilidad ng CICC sa kanilang crackdown operations.
Sa panayam ng programang BOSES kay CICC Executive Director, Undersecretary Aboy Paraiso, malaki na ang itinalon ng numero simula ng mas paigtingin ng CICC ang kanilang operasyon.
Sa datos ng CICC, mula taong 2022 hanggang 2025 ay nakapag-take down na sila ng aabot sa 10,000 harmful gaming and online gambling sites and apps.
Kung pag-uusapan naman ang operasyon ng CICC sa kasalukuyan, ibinida ng ahensiya na sa ngayon ay aabot sa 50,000 illegal online gambling sites ang nate-takedown nila, kada buwan.
Nananatili umanong mahigpit ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsawata sa mga mapanganib na sites, applications, at illegal online gambling sites.