Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga logistic industry players na mas paigtingin pa ang kolaborasyon sa mga negosyo sa bansa na nangangailangan ng kanilang serbisyo upang mapalakas pa ang domestic trade at ekonomiya ng bansa.
Kasunod ng isinagawang ceremonial signing ng third batch ng logistics players na ngayon ay parte na ng Supply Chain and Logistics Center (SCLC) umapela si DTI Sec. Ma. Cristina Roque sa logistic players na ikonsidera ang napakaraming negosyo sa bansa na lalo pang lalaki sa kanilang tulong.
Umaasa rin si Roque na hindi lang domestic ties ang mabubuo sa tulong ng mas malalim na kooperasyon sa logistic players kundi mapapalawak pa ito sa global ties upang mas mai-promote ang mga Filipino businesses.
Kung mailalabas kasi ang mga negosyong ito ay mas malaki ang maitutulong nito sa pagpapalakas pa ng ekonomiya ng bansa.