Hindi nagustuhan ni PCG Spokesperson For west Philippine Sea Rare Admiral Jay Tarriela ang ginawang aksyon ng China Coastguard.
Ito ay habang nagsasagawa ng Medical evacuation ang PCG para matulungan ang dalawang Pilipinong sundalong nasugatan matapos mahataw ng batuta ng China Coast Guard.
Ayon kay Tarriela nagdeploy ng Rigid hull inflatable boat ang China coastguard 5308.
Sa kabila ng medical emergency, sa kabila ng may mga batas sa sinusunod sa karagatan ay nagawa parin ng China Coastguard na dumaan sa harapan ng PCG dahilan ng pagbagal ng kanilang operasyon.
Matapos ang mga pangyayari ang matagumpay parin napuntahan ng PCG ang mga sugatang sundalo ng Pilipinas at nabigyan ng pangunang lunas.
Samantala sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaranas ng pagkaantala ng internet sa ilang bahagi ng ayungin shoal.
Ikinagulat ito ni Tarriela at sinabing posibleng ang gobyerno ng China ang nasa likod nito. | ulat ni DK Zarate