DND
Mas pinaigting pa ng Pilipinas at Sweden ang kanilang ugnayang pangdepensa kasunod ng bilateral meeting nina Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto C. Teodoro Jr. at Swedish Minister for Defense Pål Jonson sa Makati City.
Ayon kay Teodoro, higit pang lumalalim ang ugnayan ng dalawang bansa dahil na rin sa patuloy na pagtutulungan nito.
Nagpasalamat din ang kalihim kay Jonson sa suporta ng Sweden at European Union (EU) sa inilabas na joint statement para sa ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Tribunal Award.
Aniya, ipinakita ng paninindigan ng EU ang pagpapatibay sa UNCLOS bilang pundasyon ng international law.
Sa pulong, tinalakay rin ng dalawang opisyal ang pagpapalawak ng Philippines-Sweden bilateral relations sa pamamagitan ng information sharing, maritime security, civil defense and disaster management, defense innovation at iba pa.
Nagkasundo rin ang magkabilang panig na ipagpatuloy ang pag-uusap kaugnay sa posibleng pagbili ng Pilipinas ng Multi-Role Fighter aircraft na Gripen sa Sweden. | ulat ni Diane Lear