Pinulong ni Labor Secretary at Employees Compensation Commission Chairperson Francis Tolentino ang mga empleyado ng ECC para pag-usapan ang pagpapalakas sa mga programa at benepisyo na maaaring matanggap ng mga manggagawa sa bansa.
Sa ginawang 6th Regular Commission Meeting ilan sa napag-usapan ay kung paano pa palalawakin ang Employees’ Compensation Program at ang Occupational Safety and Health Program ng ECC.
Ito ang mga programa na maaaring i-apply ng nga empleyado kapag nagkasakit, o nagkaroon ng mga aksidente sa panahon na nasa trabaho.
Ayon kay Labor Secretary Tolentino nais nila na maging mabilis, madaling makuha at episyente ang nga programa para sa mga manggagawa.
Kasama rin naman sa naging meeting ang Commissioner ng Social Security System na si Elvira Resare at Commissioner ng Philhealth na si Dennis Mas. | ulat ni Louisa Erispe