Nilinaw nga ng Pasay City East Highschool na fake news ang kumalat na balitang nagkaroon ng shooting incident sa kanilang eskwelahan kaninang umaga.
Base sa opisyal na pahayag ng eskwelahan kahit naman fake news hindi ito dahilan para maantala ang klase at patuloy pa ring nakaantabay sa ngayon ang Lokal na pamahalaan, Schools Division Office, PNP at City Disaster Risk Reduction Office para tiyakin ang kaligtasan ng lahat.
Matatandaan na inakala ng mga estudyante na may shooting incident dahil kumalampag umano ang tulay sa loob ng paaralan.
Nakiusap naman ang eskwelahan sa mga magulang na maging mahinahon at kung may matangaap na anomang impormasyon sa social media at agad na ilapit sa guro at pamunuan ng paaralan
Pinabulaanan naman ng Pasay City East Highschool na hindi umano nakahanda ang LGU sa mga ganitong uri ng sitwasyon nilinaw nila na nagkaroon ng simulation exercise para rito.
At katunayan agaran ding dumating ang mga tauhan ng Pasay LGU at pulis para imonitor ang kaligtasan ng lahat.
Nakaantabay pa naman sa ngayon sa abiso kung balik na sa normal ang klase pero giit nga ng eskwelahan ang fake news hindi dahilan para maantala ang pag-aaral ng mga estudyante. | ulat ni Nimfa Asuncion