OWWA
Magbubukas ng panibagong OFW lounge ang Overseas Workers Welfare Administration o OWWA at DMW ngayong taon.
Ayon kay OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan itatayo ang bagong lounge sa Clark International Airport sa Pampanga at inaasahang mabubuksan ito sa September 16, 2026.
Katuwang naman ng OWWA ang Luzon International Premiere Airport Development of LIPAD para sa pagsasaayos ng lounge.
Ayon kay Administrator Caunan nais nila na magkaroon ng pahingahan ang mga OFW sa bawat paliparan.
Ang itatayo namang bagong lounge ay ika-apat nang proyekto nang OWWA dahil mayroon nang nagagamit ngayon sa NAIA Terminal 1 at 3 pati na rin sa Mactan-Cebu International Airport.
Sa huling tala naman ng OWWA nasa 2 milyong OFW na ang naserbisyuhan ng mga nasabing lounge. | ulat ni Louisa Erispe