House Speaker Faustino Bojie Dy III
Tiwala si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na kayang pagsabayin ng Senado ang tungkulin nito bilang Impeachment Court at ang responsibilidad nito sa pagpasa ng mga mahahalagang batas upang mapanatili ang momentum ng priority measures ng administrasyon.
Sa isang video statement, sinabi niya na handa ang Kamara na makipagtulungan sa Senado sa ilalim ng pamumuno ni Senate President Sherwin Gatchalian.
Ayon kay Dy, maaaring ipagpatuloy ng dalawang kapulungan ang pagpapatibay ng mga panukalang batas sa pamamagitan ng mga bicameral conference committee at technical working groups (TWGs) kahit habang nagpapatuloy ang paglilitis.
Binigyang-diin ng Speaker na ang pangunahing pokus ng Kongreso ay ang paghahatid ng mga makabuluhang batas na direktang makatutulong sa taumbayan.