Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang tulong para sa mga magsasaka at mangingisda na maaapektuhan ng Bagyong Kiyapo.
Batay sa pinakahuling update ng DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center, mahigpit ang koordinasyon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan, mga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, at iba pang kaukulang ahensya kaugnay ng inaasahang epekto ng Bagyong Kiyapo.
Nakahanda rin ang DA na magbigay ng mga binhi ng palay, mais, at iba pang high value crops, gayundin ang mga gamot at biologics para sa livestock at poultry, pati fish stocks at iba pang gamit sa pangingisda.
Dagdag ng ahensya, may nakalaan ding insurance at pautang sa pamamagitan ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at Agricultural Credit Policy Council (ACPC).
Tiniyak naman ng DA na patuloy rin ang kanilang pagbabantay sa presyo at suplay ng mga produktong agrikultural. | ulat ni Diane Lear