Pinapalakas lalo ng Bureau of Customs (BOC) ang ugnayan sa mga Exporter sa bansa
Sa ginanap na General Membership Meeting ng PhilExport , sinabi ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno na layunin ng ahensya na maging tunay na katuwang ng export sector sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na reporma at modernisasyon.
Ayon kay Nepomuceno, alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kompetisyon ng bansa, pabilisin ang lehitimong kalakalan, at gawing mas business-friendly ang Pilipinas.
Tiniyak din niyang tutugunan ng BOC ang mga pangangailangan ng mga exporter habang isinusulong ang ganap na digitalisasyon ng mga proseso.
Nagpahayag naman ng suporta ang PhilExport sa modernization program ng BOC, na anila’y makatutulong sa mas episyenteng kalakalan at pagpapalakas ng global competitiveness ng bansa.
Kabilang sa mga reporma ng BOC ang pagpapalawig ng accreditation ng mga importer, exporter, at customs broker mula isang taon tungo sa tatlong taon, pagtatatag ng Top Importers Office, pagpapasimple ng customs processes, at pagpapatibay ng mga hakbang laban sa korapsyon.
Binigyang-diin din ng BOC na mananatiling prayoridad ang pakikipag-ugnayan sa mga stakeholder bilang mahalagang bahagi ng modernisasyon ng ahensya. | ulat ni DK Zarate