Mahigpit na babantayan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang social media bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes.
Layunin nitong mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon at disinformation na maaaring magdulot ng kaguluhan.
Inatasan ni CICC Undersecretary Aboy Paraiso ang Threat Monitoring Center at Cybercrime Response Center na bantayan ang posibleng cyberattacks at coordinated online attacks.
Ayon kay Paraiso, may karapatan ang bawat Pilipino na magpahayag ng opinyon, ngunit dapat itong nakabatay sa tamang impormasyon.
Aniya, layunin ng CICC na mapanatiling ligtas, maayos, at responsable ang usapan ng publiko tungkol sa SONA. Hinikayat ng CICC ang publiko na iulat ang hinihinalang fake news at mapanlinlang na online content sa hotline 1326.