Umabot na sa 38,183 katao o 9,338 pamilya ang naapektuhan ng pinalakas na habagat at Bagyong Kiyapo sa limang rehiyon sa bansa.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), apektado ang 103 barangay sa Regions 2, 6, Negros Island Region (NIR), 9, at 12.
Sa kabuuang bilang, 7,798 katao mula sa 2,013 pamilya ang nananatili sa 56 evacuation centers, habang 3,785 katao o 840 pamilya ang pansamantalang nakikituloy sa kanilang mga kaanak at kaibigan.
Nakapamahagi na ang DSWD ng humanitarian assistance na nagkakahalaga ng ₱3.14 milyon sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.
Tiniyak ng DSWD na may sapat pa itong pondo at food and non-food items para sa patuloy na disaster response.