Arestado ng pinagsaniib na puwersa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) gayundin ng Phiilippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang Chinese national na si Huang Mingmin.
Si Huang ay kasalukuyang pinaghahanap ng batas dahil sa kasong Qualified Human Trafficking, may kaugnayan sa mga sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.
Batay sa impormasyon mula sa PAOCC at CIDG, naaresto si Huang noong Oktubre a-9 sa K1 Center Building sa Brgy. Tambo, Parañaque City sa bisa ng Warrant of Arrest.
Nabatid na gumagamit ng iba’t ibang alyas si Hung gaya ng Yang Bin, Sy Wang, at A Bao upang mapagtakpan ang kaniyang sarili mula sa mga awtoridad.
Ayon kay CIDG Director, Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, si Huang ang ika-4 sa 51 indibidwal na kinasuhan at kasabwat ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.