Wala pang malinaw na impormasyon kung magkakaroon ng pagtitipon ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, wala pa silang kumpirmasyon o koordinasyon kung magkakaroon ng aktibidad ang INC sa July 27.
Gayunman, sinabi ni Co na nakahanda ang PNP na magdagdag ng pwersa at magsagawa ng kinakailangang security adjustments sakaling matuloy ang naturang pagtitipon.
Sa ngayon, tatlong grupo pa lamang ang pinayagang magsagawa ng rally sa araw ng SONA.
Samantala, naka-full alert status na ang buong hanay ng pulisya sa Metro Manila bilang bahagi ng paghahanda para sa SONA. | ulat ni Diane Lear