Hindi papayagan ng Philippine National Police (PNP) ang pagsusunog ng effigy sa mga isasagawang kilos-protesta kasabay ng ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes, July 27.
Nabatid na ito ay karaniwang ginagawa o bahagi ng aktibidad ng mga nagki-kilos protesta sa araw ng SONA ng Pangulo.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Allen Rae Co, iligal ang pagsusunod ng effigy.
Kung hindi aniya magpapagil ang mga raliyista ay gagawin ng PNP ang lahat ng kaukulang aksyon.
Tiniyak naman ng PNP na ipatutupad ang maximum tolerance sa mga pagtitipon. | ulat ni Diane Lear