Inaasahan ni Senate President Sherwin Gatchalian na marinig mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang magiging ika-limang SONA sa Lunes, ang mga plano ng administrasyon para mapadoglang muli ang ekonomiya ng bansa.
Pinunto ni Gatchalian na malaki ang naging hamon sa bansa ngayong taon dahil may mga analysts at rating agencies na na-downgrade ang economic growth ng bansa.
Hindi rin aniya nakamit ang original projection sa economic growth na 5 to 6 percent dahil nasa 3.5 to 4.5 percent lang tayo ngayon.
Kaya naman tiyak aniyang makakaapekto ito sa poverty reduction at employment rate sa bansa, at ito ang mga nais niyang marinig sa SONA, kung paano itong tutugunan ng administrasyon.
Sa bahagi aniya ng Senado, magiging prayoridad rin nila ang pagpapasigla ng ekonomiya sa mga panukalang batas na tututukan nila. | ulat ni Nimfa Asuncion