Nagkausap sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US President Donald Trump sa telepono.
Umikot ang usapan ng dalawang lider sa global, economic, at security situation.
Sa pag-uusap ay nagbigay din umano ng katiyakan si Trump kay Pangulong Marcos na babanggitin nito ang concern ng Pilipinas sa China sa kanilang susunod na pagpupulong ni Chinese President Xi Jin Ping.
Ang telephone conversation nina Pangulong Marcos at President Trump ay naganap kasunod ng una na ding pagkikita ng Chief Executive at ni US Secretary of State Marco Rubio kamakalawa sa Malacañang.
Dito ay nagbigay ng update ang Punong Ehekutibo hinggil sa pinakahuling naitalang kaganapan sa South China Sea.
Matatandaang sugatan ang isang tauhan ng Philippine Navy matapos umanong hampasin sa ulo ng baton ng isang miyembro ng China Coast Guard sa naganap na komprontasyon malapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, West Philippine Sea nitong nakaraang Lunes, July 20.