Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malampaya gas field kung saan ay inalam nito ang progreso ng 𝗣𝗵𝗮𝘀𝗲 𝟰 𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 dito.
Ayon sa Pangulo, papalawigin ng nasabing proyekto ang domestic natural gas supply at magpapahaba sa buhay ng gas field.
Sinabi ng Punong Ehekutino na mahalagang hakbang ito para hindi na gaanong umasa pa ang bansa sa pag-angkat ng liquefied natural gas.
Bukod pa dito dagdag ng Pangulo ay matitiyak ang mas maaasahan at tuloy-tuloy na suplay ng enerhiya para sa milyon-milyong sambahayang Pilipino.
Ang Malampaya Gas Field ang pangunahing pinagkukunan ng natural gas na ginagamit ng mga gas-fired power plant na nagsusuplay ng malaking bahagi ng pangangailangan sa kuryente ng Luzon.
📸 PCO

