Inihayag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na nagkaroon ng pakikipag-usap si Philippine Ambassador to the United States Jose Romualdez sa US Secretary of State tungkol sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi ni Castro na nabanggit ni Ambassador Romualdez sa kanilang pag-uusap na isang sensitibong bagay ang tungkol sa ICC at ng Pilipinas.
Pati, aniya, ang residual obligation ng Pilipinas at pakikipag-ugnayan nito sa Interpol ay nabanggit ni Romualdez sa US Secretary of State.
Nauunawaan naman aniya ang sinasabing sensitibong bagay na kinakaharap ng bansa lalo’t may mga nakabimbing kaso sa ICC na kung saan ang mga akusado o respondents ay mga Pilipino at mga dati at kasalukuyang opisyal ng pamahalaan.