Positibo ang Marcos administration na malaki ang maitutulong ng Pax Silica project ng Estados Unidos sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, naniniwala ang Pangulo na makapagbibigay ito ng economic security sa bansa.
“He’s very pleased, it’s moving quickly and that will definitely help the Philippine economy,” ani Romualdez.
Sa pagbisita ni US Secretary of State Marco Rubio sa Malacañang, ipinarating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang pagkalugod sa mabilis na pag-usad ng proyekto sa New Clark City sa Tarlac.
“Our aspiration to have the kind of economic prosperity that we’ve been looking for because it spells economic security for us,” pahayag ni Romualdez.
Kung matatandaan, ang proyektong ito ay isang technology hub o gawaan ng microchips, na inaasahang lilikha ng isang milyong trabaho para sa mga Pilipino.