Malapit nang makumpleto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lalamanin ng kaniyang talumpati para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, July 27.
Ito ang kinumpirma ni Communications Umdersecretary Claire Castro sa gitna ng patuloy na paghahanda ng pangulo, para sa SONA.
Ayon kay Castro, priority topics pa lamang ang nasilip niya, o iyong mga paksa na posibleng bubuo sa talumpati ng Pangulo.
Ang usapin sa kasalukuyang impeachment proceeding laban kay Vice President Sara Duterte, hindi aniya kabilang dito.
Gayunpaman, sa Linggo pa aniya posibleng ganap na makumpleto ang talumpati ni Pangulong Marcos, at kung ano ang mga accomplishment ng administrasyon para sa nagdaang taon, at iba pang mahahalagang anunsyo, mainam na sabay-sabay na lamang mapakinggan ng lahat sa mismong SONA ng Pangulo sa Lunes.
Kung matatandaan, una nang sinabi ng Malacañang na magiging simple ngunit dignified ang pagdaraos ng ikalimang SONA ni Pangulong Marcos.