Pinagtibay ng Philippine National Police (PNP) at Australian Federal Police (AFP) ang kanilang ugnayan para higit pang paigtingin ang kampanya laban sa mga transnational crime.
Ito’y ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ay sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagbabahagi ng impormasyon at intelligence, pagpapalawak ng mga pagsasanay, at pagpapalakas ng koordinasyon sa mga operasyon.
Kahapon, personal na tinanggap ni Nartatez si Australian Federal Police Commissioner Krissy Barrett sa isang courtesy visit sa Punong tanggapan ng PNP sa Kampo Crame.
Dito, muling pinagtibay ang matagal nang ugnayan ng dalawang ahensya sa pagpapatupad ng batas atang kanilang iisang layunin na tugunan ang mga banta.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tugunan ang mga hamon gaya ng cybercrime, human trafficking, terorismo at drug trafficking.
Inatasan din ng PNP Chief ang mga commander na tukuyin ang mga larangan kung saan maaaring agad namakatulong ang pandaigdigang kooperasyon sa kasalukuyang mga operasyon. | via Jaymark Dagala