Giniit ni Senate President Sherwin Gatchalian na walang pondo ang Senado para sa hiling ng Office of the Vice President na sagutin nila ang gastos para sa pagkain at inumin ng buong defense team ni Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial.
Ayon kay Gatchalian, pinag-aaralan pa nila ang request ng OVP pero sa paunang opinyon ay wala silang pondo para dito.
Pinaliwanag ng senate president na nakatakda na nilang talakayin ang panukalang 2027 national budget at kaakibat rin nito ang maraming committee hearings.
At dahil kasalukuyang gumugulong ang Impeachment trial ni VP sara at nagagamit na ang mga kwarto sa senado, ay tinitingnan na nila ang posibilidad na magrenta ng espasyo sa PICC.
Doon aniya gagawin ang ilang committee hearing para sa pagtalakay sa panukalang national budget. | ulat ni Nimfa Asuncion