Aarangada na bukas ang ika-44 na pagpupulong ng mga National Police Chief sa Timog-Silangang Asya o ang ASEANAPOL.
Bahagi ito ng side lights ng nagpapatuloy na ASEAN Summit kung saan, tumatayong Chairman nito ang Pilipinas para sa taong ito.
Bago ito, nagsagawa ng ika-15 Executive Meeting ang ASEANAPOL na dinaluhan ng mga deputy head of delegation mula sa 10 bansang kasapi nito.
Kabilang na riyan ang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Viet Nam, at ang host country na Pilipinas.
Tinalakay sa ExCom Meeting ang mas pinaigting na pagtutulungan ng mga bansang kasapi sa paglaban sa cybercrime, iligal na droga, human trafficking, online child exploitation, fraud, asset recovery, at iba pang uri ng organized crimes.
Ito kasi ang mga usaping nangangailangan ng magkakaugnay na aksyon sa rehiyon.

