Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang nasa 4.4 na tonelada ng hinihinalang botcha.
Ito’y sa ikinasang operasyon ng Pulisya katuwang ang National Meat Inspection Service (NMIS) ng Department of Agriculture (DA) sa loob ng KADIWA Public Market, Basement 2, Dasmariñas City sa lalawigan ng Cavite.
Sa bisa ng mission order ng NMIS, kinumpiska ng mga awtoridad ang mga nasamsam na karne na bukod sa mishandled, hindi rin rehistradoo at walang tatak ng pagkasuri mula sa ahensya.
Kasunod nito, nagbabala ang CIDG at NMIS sa publiko hinggil sa mga naglipanang botcha na bagsak presyong itinitinda sa mga pamilihan.
Bukod kasi sa hindi ito ligtas kainin, posible rin itong magdulot ng peligro sa kalusugan ng sinumang kokonsumo nito.
📸 PNP-CIDG

