Nagsimula na ring makatanggap ng P2,000 UPLIFT Assistance ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program (WGP) sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.
Isinagawa ang rollout ng cash assistance kasabay ng Kalusugan, Kakayahan, at Kabuhayan (3K) Session at Food Redemption Activity ng Walang Gutom Program nitong July 22.
Kabilang sa mga tumanggap ng ayuda si Jocelyn, 28 anyos at residente ng Barangay Bagong Pag-asa, na nagsabing malaking tulong ang karagdagang cash assistance at ang food credits na natatanggap nila sa ilalim ng programa.
Ang UPLIFT Assistance ay ipinatutupad bilang tugon ng pamahalaan sa national energy emergency upang makapagbigay ng karagdagang suportang pinansyal sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
📸 DSWD-NCR