Pax Silica, itinuturing na brain gain para sa Pilipinas
Itinuturing na “brain gain” ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang Pax Silica initiative ng Estados Unidos na magbibigay ng libu-libong trabaho sa mga Pilipino.
Ayon kay BCDA President at CEO Engr. Joshua Bingcang, nasa 130,000 hanggang 190,000 na high-quality jobs ang maaaring malikha nito, habang 500,000 hanggang 800,000 na indirect at induced jobs.
Batay sa pag-aaral, posible ring pumalo sa 40 billion hanggang 70 billion dollars ang pamumuhunan sa sandaling ganap na ma-develop ang konstruksyon ng Pax Silica sa loob ng 10 hanggang 15 taon.
Samantala, titiyakin naman ng gobyerno na masusunod ang mga regulasyon para hindi makompromiso ang kalikasan.
