Patuloy ang PhilHealth sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo at pag-aalaga sa mga Pilipino pagdating sa primary healthcare needs and services, batay na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa panayam ng programang BOSES kay PhilHealth President and CEO Dr. Edwin Mercado, sinabi nitong pinalalawak pa ngayon ng PhilHealth ang mga serbisyo sa ilalim ng “Yaman ng Kalusugan” o YAKAP Program, kung saan target ngayong taon na maparami pa ang accredited YAKAP clinics sa buong bansa sa bilang na 5,000.
Paglilinaw ni Dr. Mercado, ang serbisyo ng YAKAP ay hindi lang para sa mga may malubha nang sakit, kundi target talaga nito ang preventive healthcare at matiyak na maaagapan ang anumang sakit.
Kabilang sa mga maaaring ma-avail dito ang konsultasyon sa primary care doctors, 13 hanggang 14 na laboratory procedures na kinabibilangan na ng cancer screening at ang libreng gamot na papalo ang halaga sa 20,000 pesos kada taon para sa bawat Pilipino.
