Nagdeploy ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng disaster response teams matapos bahain ang ilang komunidad sa Mindanao dahil sa pinalakas na habagat at epekto ng Bagyong Kiyapo.
Nagsasagawa na ng assessment ang DSWD Field Office 12–SOCCSKSARGEN sa kalagayan at pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Sarangani Province at General Santos City.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, katuwang ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan sa evacuation at relief operations.
Patuloy na mino-monitor ng DSWD ang mga evacuation center at komunidad na naapektuhan habang inihahatid ang kinakailangang tulong.
Nagpadala rin ang DSWD Field Office 13–Caraga ng dalawang truck na may 175 family tents bilang karagdagang suporta sa mga apektadong lugar sa Davao Region.
Samantala, nakahanda ang mahigit 4.7 milyong family food packs na nakaimbak sa iba’t ibang panig ng bansa para sa agarang distribusyon sa mga biktima ng kalamidad.