Photo courtesy of Presidential Communications Office
Pangkalahatang naging mapayapa at maayos ang pagdaraos ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ay sa kabila ng mga pag-aresto ng 51 indibidwal sa kasagsagan ng mga kilos-protesta sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ngayong araw ng SONA.
At dalwang insidente ng improvised explosive device na narekober malapit sa Department of Justice at Senado.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) walang naitalang anumang marahas na insidente sa kabuuan ng SONA.
Sinabi ni PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. na bunga ito ng masusing paghahanda ng mga pulis at mga katuwang na ahensya ng pamahalaan.
Samanta, sinabi ni NCRPO Chief PMGEN Anthony Aberin na ang mga naaresto ay bahagi ng pagpapatupad ng batas.
Kabilang sa 51 naaresto ay 38 adults at 13 menor de edad na pawang mga nakaitim at nakasuot ng balaclava. Matatandaang 28,000 na pulis ang ipinakalat para tiyakin ang kaayusan at seguridad sa SONA 2026.