Senate of the Philippines
Umaasa si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na bibigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ang kampanya laban sa korapsyon at ang mga hakbang para mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Zubiri, inaasahan ng publiko ang mas konkretong aksyon laban sa katiwalian, kasunod ng mga isyung binanggit ng Pangulo sa nakaraang SONA. Aniya, makatutulong kung mag-aanunsyo ang Pangulo ng mga hakbang na magpapakita na may hustisyang naipatutupad laban sa korapsyon.
Binanggit din ng senador ang pangangailangang tugunan ang mataas na presyo ng pagkain at kuryente. Bagama’t ikinatuwa niya ang ipinatupad na umento sa sahod, iginiit niyang sana ay maipatupad din ito sa mga lalawigan at hindi lamang sa National Capital Region.
Samantala, iginiit ni Zubiri na karapatan ng sinumang senador kung pipiliing hindi dumalo sa SONA, at hindi naman aniya ito sapilitan.
Ito ay kasunod ng pagpapahayag ng ilang minority senators na hindi sila dadalo, physically, SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa Batasang Pambansa. | ulat ni Nimfa Asuncion