Photo courtesy of Presidential Communications Office
Panahon na upang amyendahan ang EPIRA Law, at ipagbawal ang pagkarga sa bill ng electric consumer ng system loss at iba pang value-added tax sa serbisyo ng mga electric company.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna mga ginagawang hakbang ng administrasyon upang mapatatag ang supply at presyo ng enerhiya sa Pilipinas.
“Panahon na para tanggalin na natin ang system loss na pinapasa sa consumer. Pinapasa ito sa consumer at kinakarga sa bill na pinapatungan pa ng value-added tax. Hindi naman kasalanan ng consumer kung bakit nagkaroon ng system loss.” —Pangulong Marcos Jr.
Sa ikalimang State of the Nation Address ng Pangulo (SONA), sinabi nito na hindi kasalanan ng consumer kung bakit nagkakaroon ng system loss, kaya’t hindi tama na ipinapataw ito sa bill ng publiko.
“No, we demand for the immediate amendment of the EPIRA, and to prohibit charging system loss against consumers including the value-added tax thereon.” -Pangulong Marcos Jr.
Kaugnay nito, hiniling rin ng Pangulo sa mga mambabatas na ipasa na ang Sariling Kuryente Act, upang maging simple at abot-kaya ang pagpapakabit ng solar panels at battery storage system sa mga bahay.
“Upang maging simple, madali, at abot-kaya ang pagpapakabit ng solar panels at battery storage system sa kanilang mga bahay, hinihiling ko ang tulong ng Kongreso na maipasa na ang “Sariling Kuryente” Act.” —Pangulong Marcos Jr.