Tuloy ang pag-uusig ng Office of the Ombudsman sa lahat ng mga sangkot sa anomalya ng flood control projects.
Kasunod ito ng naging ulat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kung saan sinabi nitong patong-patong na kaso na ang ihahain ng Ombudsman kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng flood control scandal.
Sa isang pahayag, nagpasalamat ang Ombudsman sa Pangulo sa pagbibigay sa kanilang tanggapan ng ganap na kalayaan para gampanan ang kanilang mandato at sundan ang ebidensiya saanman ito humantong, kabilang na sa mga taong malalapit sa Pangulo.
Ayon sa Office of the Ombudsman, ganito dapat gumana ang pananagutan sa pamahalaan na anumang espesyal na pagtrato.