Ikinatuwa ni Murang Kuryente Party-list Rep. Arthur Yap ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang alisin ang systems loss charges at ang VAT na ipinapataw dito.
Ayon kay Yap, malaking hakbang ito upang mapababa ang singil sa kuryente at maging mas patas ang sistema para sa mga consumer.
Umaasa rin siyang maisasama sa mga prayoridad ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ang kanyang House Bill 9218 ay naglalayong i-regulate ang pass-through charges at tuluyang alisin ang systems losses na ipinapasa sa mga consumer—at House Bill 8415 na mag-aalis sa VAT na ipinapataw dito.
Maghahain din siya ng karagdagang mga amyenda sa EPIRA upang mapataas ang transparency, mapababa ang singil sa kuryente, at mapalakas ang proteksiyon sa mga consumer.
Pinasalamatan niya ang Pangulo sa pagbibigay-prayoridad sa reporma sa sektor ng enerhiya at sa pagkilala sa mabigat na epekto ng mataas na presyo ng kuryente sa mga pamilya at negosyo.
“Access to affordable electricity is no longer merely a necessity, it is fundamental to ‘economic growth, national competitiveness, and improving the quality of life of every Filipino. As an upper middle-income country, we must pursue policies that make electricity more accessibie, reliable and affordable for all,” diin ni Yap.