Pinabilis ng Department of the Interior and Local Government ang digital transformation ng mga lokal na pamahalaan upang mapadali ang pagnenegosyo at makahikayat ng mga mamumuhunan.
Ayon sa DILG, 1,414 o 92.18% ng 1,534 lungsod at munisipalidad ang sumusunod sa pamantayan ng Business Permitting and Licensing System, habang 1,429 o 93.16% naman ang compliant sa Building Permits at Certificate of Occupancy standards.
Iniulat din ng ahensya na 1,030 LGUs na ang gumagamit ng e-LGU System para sa online na pagproseso ng business permits, pagbabayad ng buwis, at iba pang serbisyo.
Samantala, mahigit 25,000 barangay na ang na-orient sa Barangay Information Management System upang palakasin ang digital na pamamahala sa mga komunidad. | ulat ni Rey Ferrer