Bumuo ang Department of Health (DOH) ng Council of Experts para mapabilis ang pagpapatupad ng Universal Health Care (UHC) Act.
Ayon kay Health Secretary Jose Pujalte Jr., layon nitong matiyak na direktang mapakikinabangan ng mga ordinaryong Pilipino ang benepisyo ng programa.
Tampok sa binuong council ang mga dating kalihim kabilang sina Dr. Esperanza Cabral, Dr. Manuel Dayrit, Dr. Jaime Galvez Tan, Dr. Janette Garin at Dr. Carmencita Noriega-Reodica.
Magtutulungan ang mga ito para mapalakas ang policy continuity, mapabuti ang reform coherence at maghatid ng healthcare system sa mga Pilipino.
Magbibigay din ang council ng payo at plano para mapabuti ang health services, lalo na ang pagpapatupad ng UHC, alinsunod sa mga prayoridad na nabanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang SONA.