Sa ilalim ng House Bill 10345, aamyendahan ang Section 24 ng National Internal Revenue Code para baguhin ang graduated income tax rates na ipinapataw.
Dito, itataas ang limitasyong iyon ng ₱100,000, kaya ang mga may taunang nabubuwisang kita na hindi hihigit sa ₱350,000 ay mapapailalim na sa 0% na income tax.
Sa panukalang iskedyul, 15% na buwis ang ipapataw sa mga may nabubuwisang kita na mahigit ₱350,000 ngunit hindi lalampas sa ₱400,000.
Mananatili naman ang mga kasunod na marginal tax rates na 20%, 25%, 30%, at 35%.
Para sa mga may kita na mahigit ₱400,000, pananatilihin ng panukala ang kasalukuyang base tax at ang umiiral na graduated tax rates na nakabatay sa mga income threshold na ₱400,000, ₱800,000, ₱2 milyon, at ₱8 milyon.
Ang mga kuwalipikadong self-employed na indibidwal at mga propesyonal naman ay maaaring piliin ang 8% na buwis batay sa kanilang kabuuang benta, resibo, at iba pang kita na hindi mula sa pangunahing negosyo (non-operating income) na lumalampas sa ₱350,000 na threshold, kapalit ng graduated income tax at percentage tax.
Samantala, ang mga mixed-income earners (mga kumikita mula sa suweldo at mayroon ding kita mula sa negosyo o propesyon) ay mananatiling saklaw ng graduated income tax rates para sa kanilang kita sa kompensasyon (suweldo).
Para naman sa kanilang kita mula sa negosyo o propesyon, maaari silang sumailalim sa angkop na graduated income tax o piliin ang opsyonal na 8% na buwis, kung sila ay kwalipikado.