Nagpahayag ng malakas na suporta ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang income tax exemptions para mas malaking kita ang maiuwi ng mga middle-class worker.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA), inihayag nito ang kanyang kagustuhang palawakin ang tax exemption threshold kung saan ang mga manggagawang kumikita ng hindi lalagpas sa ₱350,000 kada taon ay hindi na kailangan pang magbayad ng income tax.
Giit ng punong ehekutibo, makatutulong ang hakbang na ito para tiyaking nagpapatuloy ang pag-unlad at pag-usad ng mga middle-class worker sa gitna ng mga nararamdamang krisis.
Isa rin itong pamamaraan upang maitaas ang purchasing power ng middle-class worker na direkta namang makaka-apekto sa galaw ng ekonomiya ng bansa.
Pinapurihan naman ni DOLE Secretary Francis Tolentino ang panukala ni Pangulong Marcos na isa umanong mabisang hakbang upang maipaabot ang tulong at pag-aaruga ng pamahalaan sa mga manggagawa sa bansa.