Umabot sa 5,602 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang pormal na umangat ang ranggo matapos ang isinagawang donning of ranks sa Camp Crame ngayong araw.
Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang seremonya para sa mga na-promote na pulis.
Kasabay ng naturang aktibidad ang donning of ranks sa iba pang Police Regional Offices sa buong bansa.
Sa kaniyang talumpati, binigyang diin ni Nartatez na ang tunay na pamumuno ay hindi nasusukat sa ranggo, kundi sa character, accountability, pagiging patas, at paggawa ng tama kahit walang nakakakita.
Sa bilang ng mga na-promote, 3,725 dito ang mga non-commissioned officers o mga pulis na may ranggo mula Patrolman hanggang Police Executive Master Sergeant. Samantala, 1,877 naman ang commissioned officers na may ranggo mula Police Lieutenant hanggang Police Major.