Posibleng maparisan ng ibang mga professional na naka-kulong, sakaling pagbigyan ang hiling nina Senador Rodante Marcoleta at Jinggoy Estrada na lumahok sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
“If ever they will be allowed, they will be practicing their profession. So, if that would be the case at in-allow sila, maaaring lahat ng mga propesyunal na nakakulong habang dinidinig ang kaso ay hahayaan na rin na magtrabaho?” —Castro.
Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Castro, sa inihaing manifestation ni Marcoleta sa impeachment court na mabigyan sila ng pagkakataong makibahagi sa proseso.
“Halimbawa ang isang abogado, ang sabi ng korte, may desisyon ang korte patungkol dito. Siya ay maaari lamang gawin ang kaniyang propesyon or i-practice ang kaniyang profession bilang abogado kung siya mismo ang nasasakdal at ipinagtatanggol niya ang sarili niya, pero hindi siya puwedeng mag-represent ng ibang kliyente.” —Castro.
Aniya, kung pahihintulutan sina Marcoleta at Estrada na mag-practice ng kanilang prosesyon, baka gayahin ito at mabigyan na rin ng special treatment at hayaang magtrabaho ang lahat ng propesyunal na nakakulong.
Naniniwala si Castro na nasa kamay ng anti-graft court ang pagpapasya sa bagay na ito dahil sila ang mayroong huridiksyon sa nakakulong na mga senador. “Nagkaroon na rin ng desisyon ang Sandiganbayan patungkol sa motion ni Senator Jinggoy Estrada na hindi puwedeng mabigyan ng tinatawag na virtual freedom ang isang naka-detain. And at the same time, according din kay Justice Carpio, na ang mga tao na nakakulong habang dinidinig ang kaso patungkol sa mga kaso ng graft and corruption at kasama rin dito, kasi similar in nature ang plunder, sila dapat ay suspended. So, kung anuman ang magiging desisyon ng Senado patungkol sa manifestation ni Senator Marcoleta, hindi rin ito mananaig dahil ngayon ang jurisdiction kay Senator Jinggoy at Senator Marcoleta ay nasa kamay ng Sandiganbayan.” —Castro.