Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kung maaari ay ideklara na rin ang November 3 bilang isang holiday upang mabigyan ng panahon ang mga botante na makilahok sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na November 2.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, kung hindi kasi maide-deklara ang November 3 bilang holiday ay posibleng magsi-uwi na rin at lumuwas na ng maaga ang mga botante dahilan para hindi sila makaboto.
Isa rin itong pamamaraan ayon kay Garcia upang ma-maximize ang voters’ turnout sa gaganaping eleksiyon at maiwasan ang pagdami ng mga inactive status ng mga botante na kakailanganin pa ng renewal.
Sa ngayon nagpapatuloy ang mga isinasagawang paghahanda ng COMELEC para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE sa darating na November 2.