Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang kanilang Anti-Cybercrime Group (ACG) na makipag-ugnayan sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at mga katuwang na ahensya.
Ito’y para higit pang palakasin ang kanilang cyber-monitoring at digital forensic investigation gayundin ay arestuhin ang mga nasa likod ng mga social media account para lumikha ng gulo sa kasagsagan ng ika-5 SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na tiyaking mapananagot sa mga umiiral na batas ang sinumang gumagawa ng krimen, gamit ang makabagong tekonolohiya o ang cyberspace.
Magugunitang ibinunyag ng CICC kamakailan na natukoy nila ang 9 na social media account na may kaugnayan hacker group na nang-uudyok sa puliko na lumikha ng gulo sa panahon ng SONA ng Pangulo noong Lunes, July 27.
Naipatanggal naman na ang mga naturang account makaraang matukoy na ng mga awtoridad ang kanilang digital data bilang ebidensya sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Posibleng maharap sa patung-patong na kaso ang mga responsable kabilang ang computer fraud, identity theft, grave threats, at inciting to sedition o rebellion. | ulat ni Jaymark Dagala