Photo courtesy of Department of National Defense (DND)
Iginiit ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. na dapat pang mas siyasatin ng bansa ang mga umiiral na foreign academic and cultural exchanges programs partikular sa China, kaugnay ng inilabas na imbestigasyon ng Sealight.
Lumabas kasi sa nasabing imbestigasyon na mismong ang Jinan University sa Guangdong, China ang nagsasagawa ng training ng mga Chinese-language teacher na siya namang ipinadadala sa Pilipinas.
Natuklasan din sa nasabing imbestigasyon, na ang Jinan University na siya ring nagpalabas ng mga balikong pang-aangkin sa Batanes ang siyang pinaka-malaking training destination para sa Chinese-language teachers na nagta-trabaho sa mga Chinese-Filipino schools sa Pilipinas.
Ani Teodoro, malaki ang tiyansa na ginagamit din ng Communist Party ng China ang mga nasabing Chinese-language teacher upang magpakalat ng “fake news” at disinformation sa mga paaralan sa Pilipinas na pinagtuturuan nila.
Mahalaga umano ayon kay Teodoro na matukoy kung ano nga ba talaga ang totoo nilang pakay.