Photo courtesy of Department of Finance (DOF)
Nilagpasan pa ng Department of Finance (DOF) ang nauna nang anunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pagdating sa income tax exemption ng mga manggagawa.
Matatandaan una nang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ang income tax exemption ng mga manggagawa sa middle-class na kumikita ng ₱250,000 hanggang ₱350,000 kada taon.
Ngunit ayon kay Finance Secretary Frederick Go, hindi lang ang mga nasa middle-class workers ang makikinabang dito dahil maging ang mga kumikita ng higit sa ₱350,000 kada taon ay makikinabang din sa tax relief measure ng pamahalaan.
Bunsod nito ay inaasahang makakatipid ng nasa ₱15,000 hanggang ₱17,000 ang mga nasa great middle class sa pagbabayad ng buwis sa loob ng isang taon, na magreresulta sa mas mataas na take-home pay.
Kumpiyansa rin ang Department of Finance na kaakibat ng mga hakbang na ito ang positibo nitong epekto sa economic progress ng bansa.